Sunday, November 14, 2010

ANG SARAP MANGARAP

ANG MAPAPALA SA LIBRENG PANGARAP
By Arlan Laroya

Minsan ay may nakausap akong isang kaibigan na nagsabi sa akin na ‘pag yumaman daw s’ya magpapatayo siya ng malaking bahay, bibili din daw s’ya ng mga mamahaling sasakyan, mga bago at magagandang damit, sapatos, accessories at electronic gadgets. Lilibutin ang buong mundo, titikman ang lahat ng pagkaing hindi niya natikman noong walang-wala pa s’ya. Siempre hindi mawawala sa kanya ang pagiging mabuting pagkatao, dahil kasama sa kanyang mga pangarap ay ang tumulong sa mga taong naghihirap kahit hindi niya mga dating kakilala. Marami pa siyang sinabing detalye na habang pinapakinggan ko ay parang napunta ako sa isang malaparaisong kalagayan. Masasabi ko, “Ang ganda nang pangarap ng aking kaibigan!” Na kung mangyayari lang sana ay talaga namang napakaganda. pagkatapos niyang magsabi ng kanyang mga pangarap ay tinanong ko s’ya, “Paano mo ‘yan nakikitang mangyayari?” Sinagot n’ya lang ako nang, “Bahala na basta ang alam ko lang LIBRE NAMAN ANG MANGARAP” sabay tawa!

Parang hindi ito iba sa marami sa atin. Marami-rami na rin akong nakausap na mahirap pero halos ganito kalalaki ang kanilang mga pangarap, pero mahirap pa rin sila at parang wala ng pagkakataon para maisakatuparan ang kanilang mga magagandang pangarap. Sa bandang huli ang sasabihin na lang nila, “LIBRE NAMAN ANG MANGARAP”.

May napansin akong isang pagkakaiba sa YUMAMAN MATAPOS MANGARAP at NANGARAP PERO NANATILI PA RING MAHIRAP. Ito ay ang “AKSYON”! Alam n’yo rin siguro ito, na bagaman ang mangarap ay libre, ngunit ang maging katuparan ito ay hindi na libre. Halimbawa na lang, kung pangarap mong maging isang magaling na doctor, kailangan mong mag-aral mula prep, elementarya, high school, college at ang pagiging doctor. Hindi ka magiging doktor nang hindi ‘yan gagastusan. Kahit may nanglibre pa sa iyo ganon pa rin ang ibig sabihin n’yon–may gumastos. At kahit nga nilibre ka pa, kailangan mo pa ring gumising araw-araw at pumunta sa paaralan, gawin lahat ng kailangang gawin para makapasa hanggang maging isang ganap na doctor. Maraming dapat gawin kailangang maghirap at gumastos muna para lamang maging isang doctor.

Kung totoo man ang libreng mangarap, libre ito kasi wala itong kabuluhan. Anumang pangarap na hindi pinaghirapan at pinagkagastusan ay nawawalan ng kabuluhan gaano man ito kaganda. Dahil ang pangarap ay nagkakaroon lamang ng halaga kapag nilagyan ng tamang, “AKSYON!” Tama na muna ang mangarap, baka kailangan na nating umaksyon ngayon, para maging reyalidad ang anumang pangarap na meron kayo.

Maaari mong tingnan ang buhay at pangarap mo sa ganitong pananaw. Halimbawa, pangarap mong magkaroon ng isang bahay at lupa na nagkakahalaga ng P1.8M. Ano ang ginagawa mo sa ngayon para maabot mo ang pangarap mong ‘yan? Kung ipagpapatuloy mo ba ‘yang ginagawa mong ‘yan sa loob ng lima pang taon sa tingin mo ba maaabot mo na ang mga pangarap mo (ibig bang sabihin may bahay ka na, na nagkakahalaga ng P1.8M ‘pag lipas nang limang taon)? Kung ang sagot mo ay, “Oo” sige ituloy mo lang at ‘wag kang bibitiw! Pero kung ang sagot mo ay, “Hindi!” ‘Wag ka nang maghintay ng bukas tigilan mo na ‘yan kasi sayang lang ang efforts mo.

Subukan mo ang programa ng "Shema Foundation", baka dito matupad mo na ang pinangarap mo…


ANO BA ANG "SHEMA FOUNDATION?"

DALUYAN NG PAGPAPALA
By: Arlan B. Laroya

Ang SUDIF at SUBICC ay naitatag sa tulong at biyaya ng Panginong Diyos upang maging daluyan ng masaganang pagpapala para sa mga Pilipino na makikinig sa mensahe ng pagtanggap ng pagpapala. Hangarin ng SUDIF at SUBICC ang maibigay ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga taong tutugon sa kanilang narinig. Pangunahin dito ay ang paglago ng relasyon sa Diyos, ang kalusugan at ang kaunlarang pangkabuhayan ng mga maniniwala. Umaasa ang SUDIF at SUBICC na habang ang mga kasapi nito ay nagpapatuloy sa kanilang pakikibahagi sila ay lalong mapapalapit sa Diyos na siyang pinagmulan ng lahat ng pagpapalang ito — PAGKAIN, PERA AT BAHAY.

Dahil sa ang mga tinawag ng Diyos upang mangasiwa ng SUDIF at SUBICC ay mga babae’t lalaki na may pusong binago ng Panginoon, makaaasa tayo na pangangasiwaan nila ang ipinagkatiwa sa kanila ng Diyos ng may kaayusan at walang diskriminasyon. Sa ngayon ay patuloy na lumalaki ang bilang ng mga nakikinig at tumutugon sa panawagan upang mapagpala, bagaman ganon marami pa ring kailangang makarinig at tumugon. Sana ikaw na bumabasa nito kung ikaw ay isa na sa mga umaasa sa mga dadaloy na pagpapala ay patuloy pang mag-anyaya at kung ikaw naman ay hindi pa tumutugon bagaman naririnig mo na ito sana ito na ang pagkakataon mong tumugon.

Tandaan mo, ang pagkakataon ay hindi laging kumakatok, gaya nito, ang SUDIF ay hindi habang panahon maghihintay ng mga maniniwala dahil sa Marso, 2016 ay tapos na ang pagtanggap ng mga taong mabibiyayaan ng pagpapala. Kaya kung naririnig mo ang panawagang sa pamamagitan ng iyong nababasa, dalangin ko na tumugon ka na agad. Walang mawawala s’yo bagkos malaki ang mapapala mo.